Nakakaiyak... bakit kaya ganun? Sana makapag-usap tayo minsan ng masinsinan upang malaman ko ang mga nangyari. Sa iyong mga sinabi, parang nalulungkot ako... hindi ko alam kung bakit... pero malungkot. Siguro dahil ito ang unang pangyayari na malapit ako sa parehong tao... haaay... malungkot.
Humihingi ako ng patawad sa aking mga nagawang mali. Alam ko, napakarami na. Ngayong iniisip ko, napakadamot kong tao... nakakalungkot... bakit nga ba ganun? Bakit ba ako nagkakaganun? Ewan... malalaman ko rin yan... sana... kailangan.
Unti-unti akong napapalayo sa mga tao. Hindi na ako nakakatambay, hindi ako nakakapunta sa aking mga kaibigan... sana mabago ito sa mga sumunod na mga linggo.
Aral... Noong ako'y nag-iisa sa kwarto, nakahiga at walang magawa... napaisip ako. Gusto ko mag-aral, pero bakit hindi ko magawa? Patuloy lamang ang aking malay sa paglakbay sa kung anu ano mula sa paglalaro hanggang sa aking mga hangarin, sa aking mga panaginip at pantasya. Napadaan ako sa aking nais na hinaharap. Gusto ko ng isang magandang buhay. Gagayahin ko ang aking tatay at ako'y magsisikap na mag-aral. Naniniwala akong napakagaling ng tatay ko, kahit dalawang taon ko lang siya nakilala... marahil hindi pa nga maaaring sabihin na nakilala ko talaga siya pero yun ang gusto ko, maging katulad ng tatay ko. [Pati sa pagkamatay? Ok, hindi joke ang Lung Cancer]
Wala naman sigurong tatapos ng sinulat kong ito kung kaya't isusulat ko lang lahat ng aking nais isulat. Gusto ko ng kotse, para naman hindi na ko laging nakikisakay sa kotse ni Nicole. Nahihiya na rin naman ako eh. Sa totoo lang, at sana hindi naman masaktan o ma-offend sa aking sasabihin si Nicole pero nahihiya na ako sa kanya at sa ibang tao dahil parang ang lalaki dapat ang nagmamaneho para sa babae. Sexist? Di naman... parang nakakahiya lang. Ngunit ang aking totoong rason pa rin ay para naman ako ang maghatid kay Nicole kung kelan niya kailangan... o sa kahit anong sitwasyon. Pero wala... malas.
Hinihintay ko pa rin ang 70K ko sa aking ate na kinuha nila mula sa akin noong ako'y 2nd year highschool pa lamang... nakakapanghinayang na ibinigay ko sa kanila iyon. Tae
Naiinis pa rin ako sa mga pinagagawang kalokohan ng asawa ng ate ko. Kahit ayaw ko siya sisihin sa pagkaubos ng pera namin, wala ng ibang pwedeng ituro kundi siya. Siguro dahil na rin may itatago akong galit sa kanya.. pero ganun lang talaga. Iniisip ko nalang minsan na siya rin naman ang nagpayaman samin, ngunit kahit na... sayang... nasasayangan ako... putanginang mga bisyo yan.
Sa totoo lang... naniniwala ako... na walang tao na nakakakilala sa tunay kong pagkatao. Kahit ang ate ko o ang mga pamangkin ko... kahit ang aking mga kaibigan... wala... nakakalungkot. Ako'y mag-isa sa aking mga problema... hindi ako humihingi ng tulong dahil ayaw ko... pero hindi kaya't dahil wala rin akong mahingan? Ah ewan... basta. Si Nicole na siguro ang pinaka may nakakakilala sa akin... ngunit alam ko sa sarili ko na hindi ko pa rin nasasabi ang lahat... kulang kulang pa rin... marahil panahon lamang ang kailangan.
Mahal na mahal ko pa rin si Nicole... malapit na siya magdiwang ng kanyang kaarawan ngunit wala pa rin akong regalo... patay! Haha! At tatapusin ko na dito ang aking pagsusulat dahil may tatawagan pa ako. Hahaha! Kung tinapos mo ito, masipag ka.