Friday, May 19, 2006

Napapansin mo na yata

Nasabihan na ako ng isa sa aking mga kaibigan ukol sa akong pagsusulat dito. Hindi ko maikakaila ang transpormasyon ng aking pagsusulat. Marahil hindi lang matiis ng aking kaisipan ang hindi magsulat ng walang makakaintindi.

Hindi ko ninais ang bumalik sa dating anyo ang aking mga pagsusulat. Umabot sa kagalit-galit na tono ang aking pagsusulat hanggang sa mapag-isip na tono. Ito ang magiging harang o pagpapakita ng pagkakaiba sa susunod.

Marahil babalik muli sa dati anyo, at medyo sigurado rin ako na mangyayari yun, ngunit sa mga panahong ito, susubukan ko ang hindi pansinin ang mga katatawang pag-iisip na dumaraan sa aking aktibong imahinasyon. Hindi rin pala mabuti ang suri ng suri ng walang kaalam-alam.

At pagkatapos nito, iisipin ko munang mabuti kung magsusulat pa nga ba ako o hindi. Hindi na nakakatuwa.

Paalam? Hindi naman siguro.

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Super color scheme, I like it! Good job. Go on.
»

11:51 PM  
Anonymous Anonymous said...

Interesting site. Useful information. Bookmarked.
»

7:07 AM  

Post a Comment

<< Home