Thursday, November 16, 2006

Sa simula nga lang ba?

Sana naman hindi... pakiramdam ko naman na tatagal ito hanggang sa pagtapos ng sem na ito.

Kung tutuusin, hindi ko pa nga nararamdaman ang katamaran sa pagbabasa... Magtuloy-tuloy na nga sana itong kasipagan na ito.

Sana uminom bukas... parang ayaw ko umuwi bukas eh... haha!

Panaginip. Nakakatuwa ang mga panaginip. Ngunit nakakaasar pagkagising mo, dahil bigla mong maiisip na panaginip lamang ang mga nangyari. Kung iisipin nga, parang napakabilis ng isang panaginip... nakakapagtaka dahil tumatagal naman ito ng ilang oras. Kaya tuloy parang ang sarap matulog nalang... kung kaya lamang pilitin ang nais na mapanaginipan... hahaha!

Nakakaasar palang magsulat sa Filipino. Ang daming kong hindi alam na salita kung kaya't hindi ako makapagpayahag ng maayos. Di ko nga alam kung tama ang aking... uh... grammar. Wahaha!

Ahk.. ang hirap magsulat... pero tinatamad din naman talaga akong magsulat kaya ok lang.

Tinutulak ba ako? O hindi naman kaya nagpapatulak lang ako? Ewan... bahala nalang.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home